Back to top.
Kanser

ni B Onglenco

Bakit pinaguusapan ang katamaran?
kasi malaking problema ito ng lipunan!
hindi lang ito basta-basta malalampasan.
pero gaano kahirap, kailangan pa rin subukan.

para kasi itong kanser sa katawan.
sa simula, wala kang mararamdaman.
ngunit ‘pag tumagal, lalamunin ang katawan
hanggang sa hindi na ito mapagagaling
at buong buhay ka nang naparusahan

kaya’t labanan ang sakit na katamaran
bago pa ito lumaganap sa katawan!
gawin natin to para sa lipunan
at para rin sa maganda kinabukasan.

03.08.11 0
Langit

ni JM Alcañeses


Langit.

Ang tula ay parang langit.

Tila walang hangganan;

Ang mga ideyang puwedeng pagsulatan.

Malawak ang mga istilong puwedeng gamitin.

Ihambing ang kahit ano na nasa kanyang ilalim.

Tulad ng langit, ang tula’y puwedeng maging kasing dilim ng kalungkutan;

O kasing liwanag ng kasiyahan.

Ang tula’y parang langit na nakapangibabaw sa mundo;

Na tila alam ang lahat na gawin mo.

Tulad ng langit, marami pa ang hindi natin alam sa tula.

Kailangan lang ng kaunting pasensya, oras at gawa.

O ang tula ang tilang lagging nagpasasaya sa aking mga mata.

Gamit ang mahuhusay at malalalim na salita.

Parang langit na sa tuwing ika’y tumitingala,

Mayroon kang kagandahan at misteryong makikita.

02.20.11 0
Gulong

ni Joshua Kutch Alfonso


Ang buhay ay parang gulong

Minsan masaya

Minsan malungkot

Dumadaan minsan sa malulubak

At tila parang walang katapusan

Ngunit hindi ibig sabihin na lagging nasa lubak

Ang buhay rin ay minsan dumadaan sa magandang kalye

At tila gusto mong manatili rito Bakit ganto ang buhay?

Sana kalahati na lang ang gulong

At manatiling nasa taas

Pero talagang nakabatay sa tao ang buhay

Magsikap ka at mapupunta ka sa taas

Maging tamad ka at mapupunta ka talaga sa baba

02.20.11 0
Pagkakataon

ni Alvin Alobba

Pagkakataon

Ako ay isang gulong.

Minsan nasa itaas, minsan nasa baba.

May pagkakataong maka-angat,

Ngunit may mga hadlang.

Iikot-ikot ako kung gugustuhin,

Sapagkat hawak ko ang aking gusting tahakin.

Ang mga hadlang ay hindi dapat iwasan,

Dapat itong harapin ng buong tapang.

Lahat tayo ay may pangarap,

Kailangan lang ng konting pagsisikap, para ito’y matamo. 

02.20.11 0
Ano ang Isang Tula?

ni Matthew Cornelius Bautista


Ang Tula ay maaring maging bulong

Maaring maging sigaw

Ito ang tinta ng iyong saloobin

Ang ritmo ng tibok ng iyong puso

Ito ang salamin ng iyong likhang isip

At ang makina ng iyong pagkamalikhain

Dito mo mahahanap ang mga HD na metapora

Na `di nadadaig ng telebisyon

Ito ang lente na makakasiklab ng iyong pagka-makata.

02.20.11 0
Ang Tula at Rosas

ni Immanuel Christian Cabello


Ang tula ay tila isang rosas na matinik,

Sa sanga’y nagsisimula; nag sisimula sa isang ideya.

Sunod and nais na mapalaganap ang ideyang ito;

Nanaisin mong maisalin sa papel ito.

Dito na magsisimula ang mga pasakit;

Dito magsisimulang tumubo ang mga tinik.

Dadaan ka sa hirap ng pag-iisip - sa hirap

na ipapasan ng iyong ideya, tulad ng turok ng mga tinik.

Ngunit huwang kang sumuko kaagad, malapit na.

Malapit nang mabuo ang iyong tula; malapit nang bumuka ang bulaklak.

Ganito ang pagsulat ng tula:

Puno ng sakit at pagdurusa, tulad ng mga tinik ng rosas.

Ngunit bunga ng pasanin mo’y walang kapalit;

Ang iyong obra maestra, ang bulaklak na walang kapantay ang rikit.

02.20.11 0
Pagpinta

ni John Gabrielangelo Cruz


Malaya ang isip ng nagsusulat ng tula.

Bawat patak ng ideya’y namumuo ng hugis at larawan.

Isa siyang pintor na gumagawa ng obra.

Binubukalan ng pantasya ang kanyang nalilikha.

Sa bawat kilos ng kamay,

Sa bawat kulay na ginagamit,

Sa bawat damdaming binubuhos

Sa mahuwaga niyang kambas,

Sining niya’y nabubuhay.

Kagandahan ng larawang kaakit-akit sa mata.

Panandaliang tumitigil ang oras

Tuwing ipinapakita niya ang kanyang talento.

Ang pagtula ay pagpinta.

02.20.11 0
Halaman

ni Stefano D’Silva


Ang tula ay parang halaman.

Aalagan mo ito para bumunga.

Hindi ito basta-basta gaganda.

Kailangan ng tamang pag-aaruga.

Hindi ito basta-basta nililikha.

Ang tula ay parang halaman.

Ang pag-alaga nito’y ‘di biro.

Ngunit kay ganda nito kapag lumago.

Tignan mo ang gawa mo kapag bagot.

Upang lumabas ang tuwa’t dalisay na ‘di matatago.

Sa iyong pinaghirapan.

02.20.11 0
Ang Pagkain

ni Maki De Jesus


Ang pag-intindi sa poetry ay parang pagnamnam ng pagkain.

Isusubo muna sa bibig ang impormasyon at

Nanamnamin ang bawat isa.

Sa prosesong ito

Iisahin ang bawat salita

Aalamin ang ninanais sabihin ng may-akda

At ditto lalabas ang proseso ng pag-iisip sa lasa.

Malalaman ng mambabasa ang nais sabihin

Ng may-akda sa manlalasa.

Masaya o Matamis.

Galit o Matabang. Malungkot o Maalat.

Ito ang mga lasang nais iparating ng may-akda.

At kung maintindihan, masasabi ng manlalasa na, “Excellent! Maganda! Masarap!”

02.20.11 0
Lipad, Saranggola

ni Mikey Daza


Malaki, malikhain, mapayapa
Tumataas, lumilipad, kumikintab sa hangin
Tataas lang nang tataas hanggang may kasiyahan
Hihinto ba ang malikhaing saranggola
Kung tutuloy ang angal ng langit?
Ang bata ay may hawak ng saranggola
Tumitingin sa kanyang kagandahan
Natutuwa sa kanyang kaligtasan.
Paano kaya kung maubos ang talo,
Mawawala ba ang kapayapaan?
Hindi! Lilipad pa rin ang saranggola.
Ang saranggola ng buhay ng bawa’t bata.

02.19.11 0